Hirap na hirap talaga sa buhay si Minerva kasama ang kaniyang anim na taong gulang na anak. Ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na darating ang araw na magkakaroon sila ng kumpleto at masayang pamilya kasama ang ama ng kaniyang anak na si Carlos. Hindi sila kasal ni Carlos ngunit nangako ito na papakasalan siya nito pagkatapos ng tatlong taon niyang kontrata bilang Overseas Filipino Worker sa ibang bansa.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

“Micaela, kapag dumating ang ninang Marilou mo, sabihin mo wala ako ah! Umalis kamo,” ito ang bilin ni Minerva sa kaniyang anak na si Micaela dahil sa wala na talaga siyang pera para pangbayad sa nahiram niyang pera sa kaniyang kumare. Hanggang sa ngayon kasi ay wala pa ring padala si Carlos sa kanilang mag-ina.

“Mare! Mare!”,pagtawag ni Marilou sa kaniyang matalik na kaibigan at kumare na si Minerva. Ngunit ang bata na si Micaela lamang ang nakita niya sa bahay ng kaibigan habang nanunuod ng paborito nitong cartoons.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

“Nasaan si Mama mo? May sisingilin kasi ako sa kaniya e.”, paliwanag ng Ninang sa kaniyang inaanak.

“Wala po, Ninang. Wala daw po si Mama sabi niya.,” inosenteng sagot ng bata.

“Haynako, ikaw talaga Minerva. Lumabas ka na nga diyan kung nasaan ka man. Pinagsisinungaling mo pa itong inaanak ko!”, natatawa-tawang sabi ni Marilou.

Agad namang lumabas at nagpakita si Minerva sa kumare habang tila pinipigil ang kaniyang pagtawa.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

“Ikaw talaga anak. Nilaglag mo naman si mommy e. Bahala ka wala ka na pang-Jollibee mamaya.”, bahagyang nagkaroon ng lungkot sa mga mata ni Minerva. Kaarawan kasi ngayon ng anak at pitong taong gulang na ito ngunit walang-wala talaga siyang pera at ang pera na natitira sa kaniya ay ang huling pera niya sa kaniyang pitaka na sana ay ilalaan niya para sa anak. Ngunit kailangan din naman niyang bayaran ang utang na pera sa kaniyang kumare.

“Hindi pa rin ba nagpapadala si Carlos? e sige hayaan mo na muna at sa katapusan mo na lamang ako bayaran. Alam ko namang birthday ng maganda at honest na inaanak ko na ito e. Mamaya na gift sayo ni ninang ah? Raraket muna ko. hahaha.”, natatawang sambit ni Marilou.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

Nagpaalam na nga si Marilou sa mag-ina at gumayak na sila para makapunta sa paboritong fastfood chain ni Micaela. Kahit dito man lang ay mabigyan niya ng kasiyahan ang anak. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya at hindi pa rin nagpaparamdam si Carlos sa kanila.

Makalipas nga ang ilan pang oras ay narating din nila ang kilalang fastfood chain at talaga namang hindi maalis ang mga ngiti sa mukha ni Micaela habang umoorder sila ng paborito niyang fried chicken, burger, fries, at ice cream. Masayang-masaya ang bata. Ilang minuto pa ang nakalipas at naglaro na ito sa palaruan. Natuwa namang siyang makita na tumatawag na si Carlos sa kaniya, isang video chat. Agad niya itong sinagot ngunit hindi niya inaasahang makikita niya ang ginagawang kalokohan ng lalaki! May kasama itong babae sa kama at tila hindi nito namalayan na napindot niya ang kaniyang cellphone at natawagan siya. Nanginginig niyang pinatay ang kaniyang cellphone at agad na tumakbo sa CR ng fastfood chain. Hindi niya napigilan pang mapahagulgol at halos hindi na siya makahinga sa pag-iyak.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

Maya-maya pa ay mayroong isang babae na lumabas sa cubicle at iyon pala ang kaniyang kumare na si Marilou. Agad niya itong niyakap ng mahigpit bago pa man ito makapagsalita.

“Teka, ano ba ang nangyari? Bakit ka humahagulgol dyan? Nasaan si Micaela?”, sunod-sunod na tanong ni Marilou sa kaibigan.

“Hayup siya! Baboy siya! Nakakadiri sya! sabi niya papakasalan niya ko! sabi niya magiging isang buong pamilya kami! Sinungaling siya! sinungaling!!!,” galit na gallit na sambit ni Minerva.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

“Hay! yan na nga ba sinasabi ko e. Malakas na kutob ko sa lalaki na yun e. Hayaan mo, tutulungan kita. Alam ko namang masipag ka. Huwag ka nang umiyak, isipin mo na lamang ang anak mo, mas importante siya ngayon lalo at kaarawan niya ngayon,” dagdag pa ni Marilou.

Tinulungan nga siya ng matalik niyang kaibigan na makapagsimulang muli. Nagkaroon siya ng maliit na kainan mula sa ipinahiram na pera ng kaibigan. Hindi alintana ni Minerva ang pagod at ang puyat ng kanilang munting kainan. Talagang nagsumikap siya at nagtiyaga sa bawat araw na dumaraan.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

Sino nga namang mag-aakala na ang isang maliit na kainan noon ay manganganak ng higit sa sampu pang mga restawran sa buong Maynila? Tunay nga na hindi mo kailangang umaasa sa maling mga tao sa mga bagay na kayang-kaya mo namang gawin sa tulong ng mga totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa iyo.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)