Halata na sa mukha ni Bert ang pagod at gutom mula sa buong araw niyang paghahanap ng trabaho. Totoo nga ang sinasabi ng kanilang mga propesor noon sa kolehiyo na iba talaga ang kalakaran sa tunay na buhay. Kung sa paaralan ay pulos eksamin, pagbabasa, at pag-aaral lamang ang ginagawa niya, ibang-iba talaga ang paghahanap ng trabaho. Hindi lamang salapi ang iyong mauubos sa pamasahe, pangkain, at iba pang gastusin habang naghahanap ng trabaho, bukod pa ang pera na kailangan upang makapagkumpleto ng mga kinakailangang requirements upang makapagsimula na sa trabaho.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

Maya-maya pa ay sinilip nito ang kaniyang pitaka kasabay ng tila kakaibang tunog mula sa kaniyang tiyan, nang makita ang laman ng kaniyang pitaka ay napabuntong-hininga na lamang siya at sinabing, “Hay! Isang daan, paano pa kaya ako makakauwi nito kung ipangkakain ko ang natitira kong pera? Mas mabuti pang hindi na lamang ako kumain para mayroon pa akong pamasahe mamaya.”

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

Hindi pa kumakain ng almusal at ng tanghalian si Bert kung kaya naman gutom na gutom na talaga. Ngunit hindi naman niya maaaring gastahin ang kaniyang natitirang pera dahil sa huling pera na niya ito. Sa apat na interbyu niya ngayong araw ay wala pa siyang nakukuhang trabaho dahil masyadong marami ang kaniyang mga kakompetensiya sa posisyon na kaniyang nais applyan at ang karamihan sa mga ito ay galing pa sa mga prestihiyoso at mamahaling unibersidad.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

Sa kabila nito ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa dahil mayroon pa naman siyang isang interbyu mamaya kung kaya naman mas minabuti niya munang pumunta sa CR ng mall upang makapag-ayos man lamang. Ngunit isa lamang ang kyubicle sa natapuntahan niyang CR kung kaya hinintay niya muna na lumabas ang tao sa loob nito.

Lumabas na nga ang matandang gumamit ng banyo at nakangiting tumingin sa kaniya. Sinuklian din naman niya ito ng magandang ngiti. Agad naman siyang pumasok sa kyubikel upang gumamit ng banyo ngunit laking gulat niya ng makita ang isang pitaka na tila naiwan ng unang gumamit ng CR. Agad na pumasok sa kaniyang isip ang lalaki kanina na nauna sa kaniya, ngunit ng habulin niya ito ay wala na siya sa paligid. Tiningnan niya ang laman ng pitaka at talaga namang napakalaking pera ang lamang nito sapat na upang maipagamot niya ang ina na may sakit, makatulong sa tricycle driver na ama, at mapag-aaral niya na din ang kaniyang dalawang nakababatang kapatid.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

Ngunit naalala niya din ang paalala sa kaniya ng kaniyang mga magulang na napakahalaga na maging matapat sa lahat ng sandali sa kabila ng kanilang pangangailangan sa salapi. Kung kaya naman naghanap siya ng kahit anong maaaring maging contact niya sa may-ari ng pitaka, at nakita nga niya ang isang business card sa pitaka kung kaya agad niya itong tinawagan.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

Laking pasalamat naman ni Mr. Adriano na maibalik sa kaniya ang kaniyan pitaka. Nais niya ring bigyan ng gantimpala si Bert ngunit tumanggi ito. Sinabi niyang ginawa lamang niya ang nararapat at ito din ang itinuro sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Labis naman itong ikinatiwa ng Mr. Adriano at tinanong siya kung nais ba niyang pumasok sa kompanya nito. Hindi naman napigilan ni Bert na maiyak sa gantimpala na ito na ibinibigay sa kaniya. Sino ba naman siya upang tumanggi sa trabahong alok sa kaniya ni Mr. Adriano? Sa wakas ay maiaahon na niya ang kaniyang pamilya sa kahirapan.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)