Kinakabahan na nagtungo si Angie sa isang klinika. Ilang buwan na rin kasi siyang hindi dinaratnan ng kaniyang buwanang regla. Natatakot siyang malaman na totoo ang kaniyang hinala na siya ay nagdadalang-tao na.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

“Congratulations po misis! Buntis po kayo, higit isang buwan na si baby!”, buong kagalakan at nakangiting pahayag ng doktora sa kaniya.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kaniyang narinig. Inaasahan naman na niya talaga ito ngunit hindi pa rin talaga niya malaman ang kaniyang gagawin kung paano sasabihin sa kaniyang pamilya ang balita na ito lalo pa at wala naman siyang nobyo.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

Lumabas siya ng klinika na tila wala sa kaniyang sarili at para bang wala siyang nakikita o naririnig sa kaniyang paligid basta dere-deretso lamang siya sa paglakad at hindi niya alintana at kahit anumang nakaharang sa kaniyang dinaraanan. Napakasaklap ng nangyaring ito sa kaniya dahil sa isang gabing pagpapakalasing niya at pagsiping sa isang lalaki na hindi man lang niya maalala kung sino. Tiyak na ikakahiya at itatakwil siya ng kaniyang buong angkan.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

Bagamat maraming tumatakbo sa kaniyang isipan ay desidido pa rin siyang ituloy ang kaniyang pagbubuntis kahit ano pa ang maging kahihinatnan nito. Walang kinalaman ang sanggol na kaniyang nasa sinapupunan sa kaniyang mga nagawang pagkakamali ng gabi na yun.

Lumipas pa ang mga araw at ipinagpatuloy pa rin ni Angie ang kaniyang mga natural na ginagawa sa trabaho maging sa kanilang tahanan. At ngayong araw nga ay pumasok pa rin siya sa opisina kahit pa medyo nahihilo pa ang kaniyang pakiramdam. Maya-maya ay tinawag siya ng isa niyang kasamahan sa trabaho at sinabing, “Angie tawag ka ni sir Elijah sa office, asap daw.”

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

Nagtaka si Angie sa agarang pagtawag ng anak ng may-ari ng kompanyang kaniyang pinagtatrabuhan dahil sa hindi naman siya madalas ipatawag nito.

“Sir good morning po. Pinatawag niyo daw po ako?”, nakayukong sabi ni Angie.

“Nasaan ka ng gabi ng November 4?”, seryosong mukha ni Sir Elijah ang bumungad kay Angie. Marami ang nagkakagusto kay Elijah sa kanilang opisina dahil hindi lamang siya anak ng may-ari ng kompanya kundi isa rin siyang matipuno at napakagwapong binata na kung tawagin nga ng marami ay “perfect boyfriend” at “husband material”.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

Nanlaki ang mga mata ni Angie nang marinig yun mula sa kaniya dahil sa iyon ang gabi na talaga namang pinagsisihan niya ng siya ay magpakalango sa alak at sinuko ang kaniyang pagkababae sa isang lalaki na hindi man lamang niya maalala kung sino.

“Huwag ka nang magsinungaling pa. Pinaimbestigahan kita. Buntis ka at alam ko na ako ang ama ng bata. Nakita ko rin ang CCTV ng hotel kung saan tayo nagpunta nung gabi na yon.”, pagsisiwalat ng binata.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

“Huwag kayong mag-alala sir. Itutuloy ko ang pagbubuntis ko na ito at aalagaan ang magiging anak natin. Hindi ko hahayaang kuhanin ninyo ang bata sa akin!”, matapang na pahayag ni Angie.

“Hindi Angie, hindi ko kukunin sa iyo ang magiging anak natin,” pangiti-ngiting sabi ng gwapong binata na nagpakunot naman ng noo ni Angie dahil hindi niya malaman kung ano ang nais ng binatang mayaman na ito mula sa kaniya.

“Let’s get married. We will have our own family. We will be parents to our child,” buong pusong pagsasabi ni Elijah. Tila hanggang ngayon ay hindi pa rin batid ni Angie na mayroon siyang pagtingin dito, noon pa! Matagal na mula pa ng makilala niya ang dalaga, marahil ay tutok lang masyado ito sa kaniyang trabaho at pamilya kung kaya hindi niya makita ang pagtatangi niya rito.

Noong una ay ayaw pa sanang pumayag ni Angie, ngunit naisip din niya na nais niyang lumaki ang kaniyang anak na mayroong kinikilalang ama. Naisakatuparan naman agad ang kanilang kasal bago pa man lumaki ang tiyan ni Angie. Bagamat noong una nga ay hindi pa kampante si Angie kay Elijah, kalaunan ay napamahal at nahulog na rin ang kaniyang loob dito dahil sa walang sawa nitong pagsuyo at pagmamahal sa kaniya at sa kanilang anak.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

Dumating na nga ang araw ng kapanganakan ni Angie ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at kinailangang mamili ni Elijah sa kaniyang anak o asawa kung sino ang mas nanaisin niyang isalba. Mahal na mahal niya ang kaniyang mag-ina at nais niyang makasama ang mga ito. Ngunit hindi niya inaasahan na darating ang araw na ito na kakailanganin pala niyang pumili sa mga ito. Pinapirma na siya ng doktor dahil kailangan nang maoperahan si Angie, wala siyang nagawa kundi ang pumirma na lamang sa waiver na binigay sa kaniya ng doktor.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)

Matapos nito ay agad siyang nanalangin at lumuha sa Panginoon na sana ay mailigtas ang kaniyang mag-ina. Lumipas pa ang ilang oras ay lumabas na ang doktor sa operating room at ibinalita na tagumpay ang operasyon at maayos na ang kalagayan ng kaniyang asawa at anak. Talaga namang isang biyaya at pagpapalang maituturing ang inaakala niyang napakalaking pagkakamali na nagawa niya sa kaniyang buhay.

Image courtesy of www.google.com (Photos for illustration purposes only)