Si Crystal ay mula sa may kayang pamilya. Masayang masaya siya sa kaniyang buhay dahil lahat ng gusto niyang bilhin at gusto niyang gawin ay nagagawa niya. Habang si Anna naman ay ang kaniyang pinsan na maagang nag-asawa at maagang nagkaanak. Yamot na yamot si Crystal kay Anna dahil sa bata pa lamang sila ay lagi na lang ito ang nangunguna sa klase at siya na lamang ang palaging mayroong mas mataas na karangalan. Marami din sa kanilang mga guro at kamag-aral ang gandang ganda at bait na bait kay Anna, “beauty and brains” nga kumbaga.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Isang araw ay nakita na lamang ni Crystal ang kaniyang ina na tila nag-aayos ng mga pinamili nitong mga damit. “Ma, ano ba yan? Namili ka na naman ng damit? Di ba kakabili lang natin sa mall nung isang buwan?”, tanong nito sa ina.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Hayaan mo na ako anak, ito lang naman ang paraan para kahit papaano ay matulungan ko ang pinsan mong si Anna. Saka di ba may anak na siya? Para na rin sa anak niya kaya namili ako ng mga damit sa kaniya, saka binigyan niya rin ako ng discount no!”, buong pagmamalaki ng ina ni Crystal.

Oo nga naman, may anak na si Anna, si Anna na palaging matalino, maganda at mabait. Nasaan na siya ngayon? Isang hamak na online seller lamang? Samantalang siya ay isang Office Staff sa Makati at nakakabili ng mga nais niyang gamit, damit at kolorote sa mukha kahit kailan niya gustuhin. “Buti nga kay Anna akala mo kasing kung sino!”, pabulong na sambit ni Crystal.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Sa isang araw nga pala ay reunion na ng kanilang pamilya, nakabili na siya ng magandang damit na kaniyang susuotin, pati magarang sapatos at bag. Tiyak na pupurihin at hahangaan siya ng kanilang mga kaanak. Ngunit sumagi na naman sa kaniyang isipan ang kaniyang pinsan na si Anna, tiyak na magmumukha lamang kawawa ang pobreng si Anna sa reunion nila, kausap nito ang kaniyang sarili at pangisi-ngisi lamang.

Sumapit na nga ang araw ng kanilang reunion at handang-handa na siya. Tinawag na niya ang kaniyang ina dahil naghihintay na sa labas ng kanilang bahay ang tinatawag niyang taxi. Excited na excited siyang sumakay sa sasakyan. Ngunit ng malapit na sila sa venue ay may nakita siyang mga sasakyan kung kaya naman nagpababa na agad siya sa bungad upang hindi na mapansin pa na nakataxi lamang sila.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Suot ang kaniyang magandang bistida at magarang sapatos ay agad na itong nagtungo sa kanilang mga kamag-anak at isa-isa silang bineso ni Crystal. Nang makita niya si Anna kasama ang kaniyang anak ay tumango at ngumiti lamang ito ng kaunti, napaisip na naman siya tungkol sa kawawang pinsan. Agad naman niyang pinuntahan ang kanilang mga pinsan na sina Yohan at Celine. Mga asensado na rin at may mga sariling bahay at kotse, marahil ay sa kanila yung nakita niyang kotse ng nakasakay sila sa taxi kanina.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Niyaya ni Crystal ang kaniyang mga pinsan na magtungo sa isang sikat at mamahaling cafe sandali upang makapagkape sila. “Tara na Kuya Yohan, Ate Celine, mag-Starbucks na muna tayo! Mamaya pa naman start niyan e. Kwentuhan na muna tayo!”

Agad namang niyaya nina Yohan at Celine si Anna kung nais nitong sumama, ngunit agad namang umusal si Crystal at sinabing, “Nako, huwag na natin siyang isama! Mukhang hindi naman siya sanay sa mga ganoong uri ng mamahaling cafe! At saka isa pa, baka pagod siya kasi di ba nagwowork siya as online seller? Diyos ko, anong nangyari sayo Anna? Hanggang online seller ka na lang ba? Ang aga mo kasi naglandi e. Ayan tuloy, aga mo nagkaanak. Hindi ka kasi gumaya sakin e. Sarap kaya ng dalaga no! Haha haha!”, pangungutya ni Crystal kay Anna.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Tara na Ate! Kuya! Sasakay na ko sa kotse nyo ah! Yun na lang gamitin natin! Dali na!”, pagmamadali ni Crystal.

“Nako Crystal, hindi sa amin ang kotse na nakaparada sa harap! Baka nagkakamali ka,” sambit ni Yohan.

“Ha? E kanino yun kung hindi sa inyo ni Ate Celine?”, pagtataka ni Crystal.

“Kay Anna yun. Nakapagpundar na silang mag-asawa ng sarili nilang bahay at sasakyan dahil sa kanilang pagsusumikap sa buhay.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Hindi lamang siya isang hamak na online seller dahil libangan lamang niya ito upang kahit papaano ay mayroon siyang ginagawa. Ang asawa niya ay hindi basta tagaluto lamang sa ibang bansa, dahil sa isang five-star hotel ito nagtatrabaho,”pagpapaliwanag ni Celine. Pulang pula sa kahihiyan ang mukha ni Crystal at dali-dali itong lumabas ng venue at pumara ng saksakyan pauwi sa kanilang tahanan. Nagkatinginan na lamang ang mga magkakamag-anak na nakasaksi ng pangyayari.