Hindi nais ni Elizabeth na gawin ang trabahong ito na pinapagawa sa kaniya ng tiyahin. Nais ng kaniyang Tiya Marta na magbenta siya ng aliw sa mga parokyano nito. Highschool lamang ang natapos ni Elizabeth at sadyang napakahirap sa mga katulad niya ang maghanap ng isang magandang trabaho na makakayang sumuporta sa palagiang dialysis ng kaniyang ina na mayroong sakit sa atay.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Huwag ka nang umarte Elizabeth, wala namang magagawa ‘yang kaartehan mo! Kailangan mo ‘tong trabaho na ‘to para sa nanay mo. At isa pa baka nakakalimutan mo nang malaki na rin ang nalulustay ko na pera sa inyo! Marapat naman siguro na kahit papaano ay makinabang naman ako sa’yo! Pasalamat ka nga at hinahatian pa kita e!”

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Hindi na nagawa pang umimik ni Elizabeth dahil sa wala rin namang patutunguhan pa ang kaniyang pagsagot o hindi pagsang-ayon sa gahaman na tiyahin. Buo na ang kaniyang loob na gawin ito para sa kaniyang ina na mayroong sakit.

Maya-maya pa ay mayroong isang magarang sasakyan na huminto sa kaniyang harapan at sa labis na kaba at takot ay hindi na nito nagawa pang silayan ang tao sa loob ng kotse. “Sir, kamusta po? Magandang gabi po. Baka po gusto ninyo itong alaga ko, sariwa po ito! Inosenteng inosente pa po ito sir!”

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Magkano ba isang gabi?”, agad na sagot ng lalaki sa loob ng magarang kotse.

Nanlaki ang mata ni Tiya Marta at sinabing limang libo lang ang isang gabi. Agad naman niyang pinagtulakan sa loob ng kotse si Elizabeth nang abutan siya ng 15,000 piso ng lalaki.

Wala nang nagawa pa si Elizabeth kundi gawin ang labag sa kaniyang kalooban. Ngunit laking gulat niya nang masilayan ang lalaki na bumili sa kaniya sa loob ng tatlong gabi! Napakagandang lalaki at napakamatipuno, at halata ang pagiging mayaman nito sa kutis niya. Magsasalita na sana si Elizabeth nang biglang nagsalita ang lalaki.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Will you be my girlfriend?”, sambit ni Lucas.

Ayaw sana ni Lucas gawin ito ngunit wala na siyang ibang maisip pa na paraan para matakasan at tuluyan na siyang tigilan ni Minerva, isang anak mayaman din gaya niya na ex-girlfriend ng binata. Tila kahit sino pang pagpanggapin niyang nobya niya ay titiklop din kay Minerva at aamin kapag nagbigay na siya ng pera.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Po? Ano po yun?”, gulat na gulat na sagot ni Elizabeth.

“I know your confused. I just wanted you to know that I am not after your body or whatsoever! I just wanted you to pretend as my girlfriend when Minerva is around. Ayaw niya kasi akong tigilan kahit anong gawin ko. But don’t you ever betray me o ilaglag ako sa kaniya, or else may kakalagyan ka talaga sa akin! Understood?”, pagpapaliwanag ng binata. Halata sa kaniyang mga mata na nagandahan siya kay Elizabeth, sa unang tingin ay hindi mo aakalain na isa pala siyang bayaran na babae.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Wala nang nagawa pa si Elizabeth sa trabahong alok ng binata dahil sa kailangang-kailangan niya talaga ng pera. Pag dating nila sa condo ni Lucas ay agad siyang binigyan ng damit nito upang makapagpalit. Agad naman siyang nagtungo sa banyo upang makapagpalit ng damit at maayos na rin ang kaniyang sarili dahil sa napakakapal nitong kolorete sa kaniyang mukha.

Ilang sandali pa matapos niyang pumasok sa loob ng banyo ay nakarinig siya ng doorbell at tila isang boses ng babae. Pag labas nga niya ay nakita niyang galit at iritable si Lucas. Agad niyang napagtanto na ito na marahil ang tinutukoy ni Lucas. Lumabas siya agad ng banyo at agad na lumingkis sa braso ng binata sabay halik sa pisngi nito sabay sabing, “Babe, hindi pa ba tayo matutulog? Antok na antok na ko.” Nagkusot-kusot pa siya ng mata na tila ba nagpapacute sa kaniyang nobyo.

Nanlaki naman ang mata ni Minerva at galit na galit na umalis ay naghihiyaw ng, “Pagsisisihan mo ‘to Lucas! Isusumbong kita kay Daddy! Makikita mo!”

Lingid naman sa kaalaman ni Elizabeth na labis na nabighani sa kaniya ang binata lalo na noong nasilayan niya ang dalaga ng walang kahit anong make-up sa mukha nito. At talaga namang maganda ang katawan nito sa malaking puting tshirt na binigay niya na rito na nagmukhang bistida sa kaniya.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Lumipas pa nga ang ilang mga araw ay hindi pa siya pinapaalis ni Lucas dahil anumang oras ay maaari pang bumalik ang spoiled brat na si Minerva. Sinulit naman ng dalawa ang mga araw na magkasama sila dahil masaya silang nagkwentuhan, naglaro ng mga board games, nanuod ng sine at nagbonding.

Lumipas pa ang ilang araw ay nakakaramdam na sila ng kakaibang pakiramdam na tila nahuhulog na sila sa isa’t-isa. Ngunit pakiramdam ni Elizabeth ay hindi siya karapat-dapat dito. Kung kaya naman matapos ang mga sandali na kanilang pinagsamahan ay palihim nang umalis at umiwas si Elizabeth.

Ilang mga buwan at taon pa ang lumipas at wala nang balita pa ang binata sa dalaga na kaniyang napupusuan. Nabigla na lamang siya isang araw pagkagising niya ay wala na ito. Matapos na mayroong mangyari sa kanila at malaman niyang birhen pa pala si Elizabeth, taliwas sa kaniyang inaakala.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Samantala, si Elizabeth ay nagtrabaho na lamang bilang isang tindera ng mga gulay at karne sa kanilang probinsiya upang masuportahan ang may sakit na ina. Lumayo na siya ng tuluyan sa lalaki na una at huli niyang minahal ngunit kahit tatlong taon na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya dito. Ngunit batid din niya na mayaman si Lucas at isang dukha lamang siya. Habang nagbubukas ng paninda sa Elizabeth ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang mala-anghel na mukha ni Lucas. Kasabay nito ay ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang tatlong taong gulang na anak na lalaki na kamukhang-kamukha ni Lucas.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)