Kahit minsan ba ay naranasan na ninyong mainis o di kaya naman ay mayamot sa isang tao na nakakasalamuha, nakakasabay, nakakasalubong o nakikita mo sa araw-araw? Hindi ka naman mayayamot basta basta sa taong ito lalo na kung wala naman siyang ginagawang masama sa iyo o bagay na ikapapahamak mo. Ngunit paano kung mayroon kang kapitbahay na matandang lalaki na talaga namang kahit hindi mo inaano ay nakakarinig ka ng mga panget at hindi magandang mga salita sa kaniya kahit na wala ka namang ginagawa sa kaniya? Palalampasin mo na lamang ba ito o ikaw ay magsasalita at ipagtatanggol ang nararapat?

Image Courtesy of www.google.com (Photo for illustration purpose only)

Kagaya na lamang ng isang matandang lalaki na ito na nakatira sa isang nayon. Tila isa na yata siya sa pinakamasungit na tao sa buong mundo. Madalas rin siyang marinig na isinusumpa ang kaniyang buhay sa napakaraming kamalasan na nangyayari sa kaniya. Minsan nga na mayroong magbibigay sa kaniya ng tulong ay ipinagtabuyan at pinalayas niya ito sa kaniyang tahanan. Halos lahat ng mga taga-nayon ay pagod na sa kaniyang masamang ugali. Lagi na lamang siya masungit at nakabulyaw kahit pa mahinahon lamang ang pakikipag-usap sa kaniya ng ibang tao sa kanilang komunidad.

Image Courtesy of www.google.com (Photo for illustration purpose only)

Kahit pa matanda na siya ay tila ba wala siyang pinagkatandaan sa kaniyang buhay dahil sa mga masasama at panget na mga salitang maririnig mo sa kaniya. Dahil dito ay nilalayuan na siya ng maraming mga tao sa kanilang lugar. Tila hindi rin naman magandang tingnan na ikaw ay masaya sa kabila ng mga kamalasan niya sa buhay. Para bang mayroon na ring namuong kalungkutan sa kapaligiran nang dahil sa kaniya.

Image Courtesy of www.google.com (Photo for illustration purpose only)

Isang araw ay nagdiwang siya ng kaniyang ika-80 kaarawan. At isang nakakagulat na pangyayari ang naganap. Kumalat ang sabi-sabi na ang matandang lalaki ay masaya na! Hindi na siya nagrereklamo sa lahat ng bagay sa kaniyang kapaligiran maliit man ito o malaki. Nagtungo ang kaniyang mga kanayon sa kaniyang tahanan upang matiyak ang usap-usapan at laking gulat nila nang makita na nakangiti na ito! Tinanong nila ang matanda kung ano ang nangyari sa kaniya at ibinahagi nito sa kanila na wala namang naging espesyal sa kaniyang ika-80 kaarawan, napagod lamang siyang habulin ang kasiyahan at kagalakan sa buhay kung kaya naman nagdesisyon na lamang siyang mamuhay ng wala ito at mag-enjoy na lamang sa kaniyang natitirang buhay. At ito ang dahilan kung bakit masaya na siya ngayon.

Image Courtesy of www.google.com (Photo for illustration purpose only)