Isang Pilipinong inhinyero nga mula sa katimugang bahagi ng Pilipinas ang naka-isip ng ideya upang ang mga plastik na basura at kalat ay maging mga silya o upuan sa paaralan na talaga namang makakatulong sa pamayanan at maraming mag-aaral. Ito ay panigurado ding makakabawas ng polusyon at makakatulong sa pagpapabuti pa lalo ng ating kapaligiran.

Ang Pilipinas ay nagkakaroon ng 6875.84 tonelada ng mga plastik bawat araw ayon sa United Nations Environment Programme. Ang mga kalat at basurang ito ay paniguradong dumideretso at bumabara sa ating mga ilog at katubigan, at kumikitil ng buhay ng ating mga isda at halamang dagat. Dahil sa pagnanais na matuldukan ang problemang ito, nakaisip ng magandang ideya si Winchester Lemen na isang mechanical engineer mula sa Davao City. Siya nga ang nagpapasimula ng proyektong “Envirotech Waste Recycling” na naglalayon na gawing upuan ang mga plastik na basura.


Ang isa pang kamangha-mangha patungkol sa proyektong ito ay ang mga benepisyong makukuha di lamang ng mga mag-aaral at paaralam maaaring mabiyayaan ng mga silya at higit sa lahat ay ang 81 porsiyento ng mga plastik na basura na malaki ang maibabawas sa 6875.84 na tonelada ng mga basura na nagagawa natin sa loob lamang ng isang araw!


Nagsisimula ang paggawa nila sa mga plastik na basura sa pangongolekta ng basura, paghahati o pagdurog ng mga ito sa maliliit na piraso, paglilinis, pagtunaw, at pagmomolde ng mga ito. Matapos ng pagtitipong ng mga silya ay ang pagliliha at pagpipinta na ng mga ito. Hindi lamang ito nakakatulong sa ating kapaligiran ngunit ito ay talaga namang kaakit-akit din sa mga mata dahil sa magaganda at iba’t-ibang kulay ng mga ito.


Nagsimula ang lahat nang may bumisita sa kanilang planta at kinausap siya kung makakaya niyang gumawa ng kapaki-pakinabang na bagay mula sa mga basura at plastik na ito kapalit ng halagang ibabayad sa kanila. Talaga namang iba ang galing ng mga Pinoy, di’ ba?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here