Mayroong isang pusa na dinala sa isang animal clinic at talaga namang hindi na maganda ang lagay nito. Siya ay nakilala bilang si Fluffy. Siya ay natagpuan sa isang snow bank sa Montana. Hindi na kumikilos at hindi na rin tumutugon sa kahit anong gawin o sabihin sa kaniya ng mga beterinaryo. Ang kaniyang mga balahibo rin ay talaga namang napuno na ng yelo. Ngunit hindi ito sinukuan ng mga beterinaryo anu pa man ang mangyari.


Ayon sa ulat, natagpuan na lamang ng kaniyang mga amo si Fluffy na balot na balot ng yelo at tila hindi na kumikilos pa. Nang sukatin ng mga staff ng klinika ang munting pusa, sadyang napakababa na ng temperatura nito. Ni hindi nga ito rumihistro sa thermometer na nasa 90 degrees pababa na ang sukat. Samantalang ang temperatura ng mga pusa ay naglalaro lamang sa 101 degrees.


Dagdag pa ni Andrea Dutter, Executive Director of the Animal Clinic of Kalispell na mayroong heartbeat ang pusa buong oras na iyon. Kahit pa siya ay talagang naninigas na sa sobrang yelo, hindi rin talaga bumitiw si Fluffy at hindi ito idineklarang patay. Ginawa ng mga beterinaryo ang lahat sa kawawang pusa magmula sa paggamit ng mainit na tubig dito, dryer, heating pads at maraming pang mga bagay na makakapagbawas ng yelo sa katawan nito.


At matapos nga ang kanilang pagtitiyaga ng ilang oras ay bahagya nang tumaas ang temperatura ng kawawang pusa. At tuluyan na nga siyang nailigtas sa kapahamakan. Buti na lamang at hindi ito sinukuan ng mga staff ng klinika.

Source:BoredPanda

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here